Opinion

Magpahinga, magmahal, magpatuloy: A Valedictory Address

By
Published July 4, 2023 at 7:47 pm

The following is the full and unabridged valedictory address delivered by Tristan Joseph Arboleda Alcantara (AB POS 2023), Magna Cum Laude and Valedictorian of the Ateneo de Manila University Class of 2023 during the Loyola Schools Commencement Exercises.

To our University President, Fr. Roberto Yap SJ; members of the Board of Trustees; to our Vice President for Higher Education, Dr. Maria Luz Vilches; vice presidents, deans, administrators, faculty and staff; family and friends; at sa mga kapwa kong Atenistang magtatapos, magandang araw po sa ating lahat!

Sa tingin ko, lahat po tayo ay naghahanap ng kapahingahan. The last four or five years of our college journey have certainly not been easy. Marami sa atin ang napagod, marami sa atin ang naubos. Those of us who can relate know that I’m not only talking about physical exhaustion. Mentally, spiritually, and emotionally, we were all depleted. I may be speaking before you right now as your valedictorian, but let me be the first to admit that I myself have not been a perfect student. I have missed deadlines and have requested incompletes from my professors. I have not been the best student leader, the best son, or even the best friend. There have been times when I felt like the fire that once kept me going was no longer there. And I know that this feeling is not mine alone. Sa tingin ko, marami sa atin ang nakararamdam din ng pagod na ito

It was also experienced by my fellow student leaders, such as Dani and Stanley and Nars, who endured sleepless nights and endless stress because we had to ensure that our organizations would carry out their goals and advocacies in this new normal.

It was experienced by the eldest child among us, like Gabber, who had to help keep their families strong and together through thick and thin;

It was experienced by students who commuted regularly, like Bea, and arrived home late at night but still had to work on their tasks even though they had to commute again early in the morning the following day.

It was experienced by queer students who sought to be free, to love, and to celebrate their identity. Mayroon akong mga kilalang ganito ang pinagdadaanan ngunit hindi ko maaaring mabanggit man lamang ang kanilang mga pangalan.

It was experienced by probinsyanos, like Presh and Mariel, who silently struggled and endured living separately from their families even though they longed for their warmth and embrace.

It was experienced by my fellow scholars, like Myra and Rae, and Antwa, who felt pressured to give back and tell the Ateneo that you made the right decision in choosing us.

It was experienced by student-athletes, like Marj or Geo, who had to wake up early in the morning to train and constantly improve themselves.

It was experienced by the artists in our midst, like Rome and Dwayne, who desired to express themselves through their work even if other people may not be able to appreciate it.

It was experienced by our fellow student activists, like Rian and Marco, who marched on the streets and denounced the injustices happening around us.

It was experienced by fellow students who struggled with their own health, like Lance. We, too, remember him today. So, too, do we recall those who continue to struggle and even their families. Some of whom, are unable to be with us today because of this. 

At the same time, it was experienced by our parents, who worked tirelessly to provide for our needs, sacrificing their time or enduring the distance. 

It was experienced by our professors, who had to endure the sudden move to online learning while struggling through the pandemic themselves. 

Sa aking mga kapwa magtatapos, kahit sino ka man at ano mang kwento mo sa nagdaang mga taon, alam kong napagod ka. Marahil naibahagi mo na ito sa mga malalapit sa iyo, pero maaari ring sinolo mo lang ito. Sinolo mo ito sa pagkahaba-haba ng panahon. Gayunpaman, hayaan ninyong sabihin ko na wala namang masamang makaramdam ng pagod. 

Our graduation, more than it is a celebration of strength and resilience, is also a recognition of our woundedness and brokenness. Sa likod ng mga ngiti’t tawa ay ang realidad na minsan hindi natin kayang tanggapin—na napapagod tayo at nangangailangan tayo ng tulong. Na hindi naman tayo laging buo. After all, we live in a broken world, and no one is expecting us to be whole or unscathed. I always believe that there is strength in accepting our vulnerabilities.  It is because in acknowledging them that we are able to draw a little bit more courage to tell ourselves that we have to accept ourselves. 

In my four years in college, all of which I spent a good amount of time as a student leader, I felt that I had become the one who always had to say to my peers, “laban lang.” Noong nagbigay ako ng mensahe sa mga kapwa ko student leaders noong mga nakaraang linggo, ito mismo ang sinabi ko. “Laban lang!” Pero okay lang bang magpakatotoo ngayon? Sa kabila ng pagsambit ng “laban lang,” alam kong sa loob ko na pagod na pagod na ako, at kahit gusto ko mang ipilit, minsan hindi ko na alam kung paano pa lalaban. 

Marami akong hugot pagdating dito. Una, hindi ko na alam kung may halaga pa ba ang mga ginagawa ko o ng Sanggunian na pinaglingkuran ko bilang pangulo sa nagdaang taon. Minsan iniisip ko, may nakikinig pa ba sa amin? Baka nagsasayang lang pala kami ng oras, nagsasayang lang pala kami ng enerhiya. Pangalawa, naramdaman kong nauubos ako sa kabibigay. Kapag may problemang kinakaharap ang student body, si TJ ang unang hinahanap. Si TJ ang unang humaharap. At sa mga nagdaang araw, mas lalo itong umigting kahit pa ang dami-daming dapat ipagpasalamat. Kung tutuusin, gustong-gusto ko na lang magtago.

So now, my fellow batchmaes, allow me to be the one to say, kailangan nating magpahinga. Kailangang-kailangan nating magpahinga. Sometimes when we hear magis or persons-for-and-with-others—mga walang katapusang mantra ng mga Atenista—we think that we are called to give everything to the point of burning out. To make it even worse, when we feel there’s nothing more to give, there is this guilt that creeps in and makes us question if we really are passionate about the things we’ve been fighting for. Hindi ito bago sa akin. Napakinggan ko ito sa aking sarili  at napakinggan ko ito sa aking mga kaibigan. 

Pero alam ninyo, mahalagang sabihin ko ito sa sarili ko, at marahil kailangan ko ring sabihin ito sa marami sa atin ngayon—na ang pagpapahinga ay hindi pagsuko. Hindi naman ibig sabihin na dahil napapagod tayo ay tumitigil tayong magmahal. Bagkus, sa ganitong sandali ng matinding kawalan, kailangan nating tingnan muli ang pagka-intindi natin sa magis. Because the truth is, we cannot be more loving to others if we are not more loving to ourselves. Kaya sa pahinga, nabibigyan tayo ng pagkakataong magnilay-nilay. Nabibigyan tayo ng pagkakataong itanong kung ano ang mahalaga. Kung babalikan natin ang ating natutunan sa DLQ, dito paulit-ulit na pumapasok ang pagpapasya o discernment. At tinuturuan tayo nito na kilatisin ang pinakamalalim na galaw ng ating puso. Pero paano nga ba natin mapapakinggan ang mga ito kung nalulunod tayo sa ingay at gulo ng mundo? Dahil minsan, kaya rin naman tayo nalulunod dahil nakakalimutan natin mismong tumahimik. Nakalilimutan nating bigyang puwang ang ating sariling mga emosyon at pangangailangan.

And so, during this time, when we ask what is really of value to us, we can now reflect on our previous choices, look at the bigger picture, and decide if any of them has given us life. By being honest like this, we may find the motivation to find the things that can nurture us and help us regain the energy to continue. 

In my view, reflecting on what matters to us—kung ano ang mahalaga sa atin, what really, really matters to us—brings us back to who we are as Ateneans and to who we are as human beings. It is in this sense that we are all the same: we love, we are called to love, and we are called to take a risk for love. Sa tingin ko, kung mayroon tayong pagkakapareho, ito ay ang ating hangaring umibig. Naniniwala ako na kung ano ang mahalaga sa atin, iyon ang ating minamahal. At ang minamahal, patuloy na ipinaglalaban. To love means to continue despite our struggles. To love means to help others with their struggles despite our own struggles. This reminds me of Pope Francis’s Fratelli Tutti, in which we are reminded that to love is ultimately a political act: to be in solidarity with people who struggle. As he said, “Politics too must make room for a tender love of others.” 

Mga kapwa ko magtatapos, kung titingnan nga natin at kahit bali-baliktarin natin ang ating mundo, tayong lahat na nandito ay bunga ng pagmamahal. 

Nagmamahal ang student leader na napupuyat at nahihirapan dahil may unang nagtiwala sa kanya na kaya niyang mamuno at maglingkod. At sinusuklian niya ito ng paniniwalang may kayang gawin ang kanilang mga organisasyon para sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Nagmamahal ang isang panganay na anak na tumutulong sa kanyang pamilya dahil una siyang minahal. At ngayon ay pinapadama niya itong pagmamahal na ito sa iba.

Nagmamahal ang isang komyuter na nagtitiis sa kanyang bawat biyahe dahil alam niyang ang kanyang bawat pag-alis ay nangangahulugang mas papalapit siya kanyang mga pangarap.

Nagmamahal ang isang queer student na naghahangad maging malaya dahil nais niyang baguhin ang mundo para mas maging pantay at mas mapagmahal.

Nagmamahal ang isang probinsyanong napapalayo sa kanyang pamilya dahil bitbit nila sa kanilang mga balikat ang kanilang pinanggalingan at pagkakakilanlan. 

Nagmamahal ang isang iskolar dahil naniniwala siya na ang edukasyong natatamasa niya sa Ateneo ay ang edukasyong dapat matamasa rin ng bawat Pilipino.

Nagmamahal ang isang atleta dahil alam niyang sa kabila ng pagod ay kaya niyang bigyang karangalan ang ating Pamantasan at ang ating bayan.

Nagmamahal ang isang alagad ng sining dahil sa kabila ng panghuhusga ay patuloy nilang hinahamon ang nakagisnan.

Nagmamahal ang isang aktibista dahil sa kabila ng panganib alam niyang ang ipinaglalaban niya ay mas malaki pa sa ating lahat.

Love—it is love that leads us to where we need to be and what we are called to do. Pagmamahal ang nagtutulak sa atin na huwag magsawalang-kibo, na huwag magbulag-bulagan, at huwag manahimik sa kabila rin ng mga problema ng lipunan—kahirapan, karahasan, korapsyon, at kawalang katarungan. Pagmamahal ang nag-uudyok sa atin na maging mas matapang na magtaya at manindigan kahit pa may takot at pangamba. Ultimately, it is also love that leads us to our authentic selves. It is love that leads us to our truest selves. Kaya sa aking mga kapwa magtatapos, huwag tayong matakot magmahal at huwag nating isipin na kailanman hindi tayo karapat-dapat mahalin. Ang pagmamahal ang nagpapaalala sa atin na laging may pag-asa. At sa tingin ko, habang tayong lahat ay nagmamahal, maaari nating tanggapin na nanghihina tayo. Habang nagmamahal, maaaring tanggaping na kinakailangan nating mapaghinga. Habang nagmamahal, maaari pa rin tayong mangahas at magpatuloy. 

At ngayon sa paglabas natin sa ating mahal na pamantasan, baunin natin ang pagmamahal na nagsasabing ang ating pagod ay pansamantala lamang. Ang pagmamahal na bunga ng pagmamahal ng Diyos, na Siyang tunay nating pahinga. Na siya ring nadarama natin sa mga yakap ng ating pamilya at mga kaibigan. Sa aking mga kapwa ko magtatapos, narito ako ngayon kasi may mga nagmahal sa akin. Narito tayo ngayon dahil may nagmamahal sa atin. Bilang anak, bilang iskolar, bilang probinsyano, bilang mag-aaral, bilang student leader at bilang kaibigan. Salamat sa inyo dahil kasama kayo sa nagpatibay ng loob ko sa panahong pagod na ako. Kayo po ang nagpapaalaala sa akin, na hindi naman ako nag-iisang nagmamahal. 

To our parents and everyone else who stood as our parents, thank you. Thank you for looking after us and looking for us, especially during the times that we were lost. To my Papa, there have been times that I didn’t want to be called “Tristan” because that is your name, and I wanted to make a name for myself. I don’t often say this, but I will always be proud to be your son. Sa aking Mama, na patuloy na nangungulit, bawat oras na lamang kung kumain na ba ako, kung nasaan na ako, kung nakauwi na ba ako, kahit pa hindi ako laging sumasagot sa mga message nila. Thank you for teaching me this stubborn and enduring kind of love.

Sa aking mga guro, formators, sa mga kawani, sa mga ate at kuya na sa bawat pagdaan namin ay babatiin kami ng “magandang umaga,” “good afternoon”, maraming salamat dahil parte kayo ng aming paglalakbay. Kina Sir Tats, Sir Jayeel, Ma’am Melay, Ma’am Julie, Sir Gino, Sir Leland, Ma’am Joy, Sir Rem, Sir Neil. Sa OAA–kina Ate Tin, Ate Lidel, Ate Joch, sa mga nakalimutan ko at hindi ko mamention, pasensya po. Nandito po ako dahil sa paggabay at alaga niyo rin.

Alam niyo, hindi naman perpekto tayong mga nagmamahal. Sometimes in our whole journey of loving, we may find ourselves making mistakes. Sometimes, in our loving, we may feel that we don’t even understand why we still love. And yet, all of us remain in love. One thing is for sure. Lahat ng ating pagmamahal ay may paroroonan. Hindi man natin agad makita ngayon, pero pagmamahal ang bubuo sa kinabukasang nais nating masilayan. Pagmamahal ang magsisilbing liwanag sa mga sulok ng mundo na nababalot pa rin ng kadiliman. 

The message of this moment for all of us is clear. We may be exhausted, but this is not where it ends. The love we’ve been given is also the love that calls us to be in solidarity with one another. Mga kapwa kong magtatapos, mga kapwa kong Atenista, kahit saan man tayo mapadpad, kahit pa man saan tayo itanim, patuloy nating alalahanin at damahin ang pag-ibig na ito. Iba-iba man tayo ng paraan ng pagmamahal, ang mahalaga ay patuloy tayong nagmamahal. Tinuruan tayo ng Ateneo na magmahal kaya ang isukli natin sa paglabas natin sa mahal nating pamantasan ay ang pagiging mas mapagmahal, dahil ito ang nararapat, dahil ito ang kinakailangan ng mundo natin ngayon. Hayaan nating pagtibayin nito ang ating mga damdamin na patuloy tayong mangangahas para sa sarili, para sa kapwa, at para sa ating bayan—para sa Pilipinas—na patuloy na naghahangad ng pahinga’t pagmamahal.

Magmahal, manatiling nagmamahal, at ito ang magpapasiya ng lahat.

Para sa Batch 2023 na patuloy na nagmamahal! Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!


How do you feel about the article?

Leave a comment below about the article. Your email address will not be published. Required fields are marked *.

Related Articles


Opinion

November 29, 2024

Pinoy Big Ballots: A personality-dominated politics

Opinion

November 27, 2024

A life longing to learn

Opinion

November 24, 2024

The festering impurity of Philippine sports media 

From Other Staffs


Sports

November 30, 2024

Blue Eagles suffer another early Final Four exit after overtime collapse to Lady Falcons

Beyond Loyola

November 30, 2024

Shifting tides

Beyond Loyola

November 29, 2024

Hope over the Horizon: Living on Pag-asa Island

Tell us what you think!

Have any questions, clarifications, or comments? Send us a message through the form below.