Joint Editorial by the Confederation of Publications of the Ateneo de Manila University
On the 22nd of September, 1972, President Ferdinand E. Marcos issued the Letter of Instruction No. 1, directing the Press Secretary and the Secretary of National Defense to “prevent the use of privately owned newspapers, magazines, radio and television facilities and all other media of communications, for propaganda purposes against the government.” The next day, martial law was declared. All publications were shut down. Editors, writers, and publishers were detained and interrogated. Newspapers and magazines critical of the Marcos regime were forced to choose between complying with administration censors and moving underground.
Prior to 1972, college publications such as The GUIDON (as the Pandayan) and Heights (as Pugadlawin) became increasingly critical of the Marcos administration. They were suppressed immediately after the declaration of Martial Law. For a year, a deafening silence echoed across the Ateneo campus. The once vibrant and critical campus press was tamed down and guarded under watchful eyes within and without the Ateneo.
Nevertheless, the Ateneo publications continued to seek out ways to circumvent the restrictions in order to continue their mission of cultivating critical engagement. Among these endeavors was the emergence of Matanglawin as an underground publication in 1975. These efforts stand as a testament to the strength of resistance anchored in justice and truth.
This week, the Confederation of Publications (COP)––composed of the three student-run publications in the Ateneo de Manila University––commemorates this dark period in press freedom, as well as the bravery and courage it fostered. We stand against attempts to revise the history that is so clearly recorded in articles, photographs, literary pieces, and artworks of the time.
This week, the COP is also united in its condemnation and resistance to old and new methods of suppression, online and offline, many of which are sanctioned by the state. We also express grave alarm over our country’s dangerous slide back towards authoritarianism. We assert the important role publications have in protecting and deepening our democracy by exposing wrongdoing and injustice, maintaining a critical voice and a watchful eye, and speaking truth to power.
We also recognize the distinct role of campus publications in raising the social consciousness of the youth and in providing an alternative platform for issues not usually discussed in the mainstream press. We call on the authorities as well as the students to protect these bastions of free speech from all forms of repression and intimidation.
It is easy to take for granted the liberties of free expression and an independent press. Our generation has never experienced the actual magnitude of stifling and censorship present during the Marcos regime. However, suppression of speech and silencing persists to this day. The era of deafening silence still threatens to return.
We must remember that these liberties that allow us spaces for discourse, awareness, and social commentary are not a given, but must be fought for and defended. These freedoms have not always been enjoyed by our nation.
Beginning today, the COP suspends all circulations until further notice, in simulation of the press shutdown in the wake of Martial Law.
We urge the student body to ask: how often do we choose to turn a blind eye to our histories? What would it take for us to engage with the uncomfortable truth that we are all responsible? Must we wait for the return of censors and press suppression before we decide to stand for the truth and grapple with its implications?
We call for continued vigilance by the press and the general public. The actions taken this week are only the beginning.
In times of silencing, repression, and violence, let us not falter in the fight for truth and justice.
———————————————————————————————-
Translation:
Patuloy ang laban para sa katotohanan, kalayaan, at katarungan!
Joint Editorial mula sa Kompederasyon ng Mga Publikasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila
Naglabas ng liham si Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ika-22 ng Setyembre 1972 na nag-uutos sa Kalihim ng Press at Kalihim ng Tanggulang Pambansa na ipatigil ang lahat ng pahayagang nagsisilbing propaganda kontra sa presidente: “to prevent the use of privately owned newspapers, magazines, radio and television facilities and all other media of communications, for propaganda purposes against the government” (Letter of Instruction No. 1). Kinabukasan, idineklara ang Batas Militar. Ipinahinto ang lahat ng publikasyon. Sinupil at ipinahuli rin ang mga patnugot, manunulat, at mga tagapaglimbag. Pinuwersa ang mga diaryo at magasin na kritikal kay Marcos, at pinilit silang mamili: sumunod sa administrasyon o mamahayag ng palihim.
Bago pa man ang taong 1972, naging mas kritikal sa administrasyong Marcos ang mga kolehiyong pampublikasyon katulad ng The GUIDON (bilang Pandayan) at Heights (bilang Pugadlawin). Agad silang napahinto matapos ideklara ang Batas Militar. Sa loob ng isang taon, nakulong sa katahimikan ang buong kampus ng Ateneo. Lumabnaw, sinakal, at sinundan ng mapagmatiyag na mga mata ang mga Atenista sa loob at labas, at nasalanta ang minsang buhay na buhay at kritikal na kampus ng Ateneo.
Gayunpaman, nagpatuloy ang mga pahayagang pangmag-aaral sa paghahanap ng mga paraan para malabanan ang mga pagbabawal—upang mapagpatuloy ang pagsasakatuparan sa kanilang tanawin at tunguhin na pagpapalago ng kritikal na pakikilahok. Kabilang sa mga pagpupunyagi ang pag-usbong ng Matanglawin bilang pahayagan noong 1975. Tumitindig ang mga ganitong pagsisikap bilang patunay ng lakas ng pagtutol na nakaangkla sa katarungan at katotohanan.
Ngayong linggo, nagbabalik-tanaw ang Kompederasyon ng Mga Publikasyon o Confederation of Publications (COP)––na kinabibilangan ng tatlong pahayagang pangmagpaaral sa Pamantasang Ateneo de Manila––at ginugunita ang malagim at madugong panahon ng pagsupil sa kalayaan ng mga palimbagan, pati ang isinulong na giting at lakas ng loob. Tumututol ang COP sa mga pagtatangkang baguhin, at babuyin ang kasaysayan at boses ng sambayanan na isinalaysay at ipinahayag sa mga artikulo, tula, larawan, at mga likhang sining sa panahon ng Batas Militar.
Sa linggong ito, nagkakaisa ang COP sa pagkondena at pagtuligsa sa mga luma at bagong pamamaraan ng pagpapatahimik at pagsugpo online at offline, na madalas kinokonsinte at pinahihintulutan ng estado. Pinapahayag din ng COP ang malubhang pagkabahala sa nagbabantang pagbabalik ng awtoritaryanismo. Lalong hinahamon ang mga publikasyon, sa loob at labas ng pamantasan, na patuloy na makibaka at ipaglaban ang pagtanggol at pagpapatibay sa demokrasya sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga kasamaan, karahasan, at kawalang-katarungan, habang ipinapanatili ang pagiging kritikal at mapagmatiyak, at habang nagpapagyag para sa katotohanan.
Kinikilala rin ang malaking papel ng mga pahayagang pangmag-aaral sa pagmumulat at paggising ng panlipunan at pambansang kamalayan ng kabataan, at ang pagbibigay-daan para sa alternatibong plataporma para sa mga usapin na napag-iiwanan o hindi nasisiwalat ng mainstream media. Mas lalong hinahamon ang mga awtoridad at mga mag-aaral na patatagin ang mga lunsaran ng malayang pamamahayag, pakikipagtalastasan, at pakikipagdiyalogo mula sa lahat ng anyo ng panunupil at pananakot.
Madaling balewalain ang mga kalayaan sa pamamahayag at kasarinlan ng mga pahayagan. Hindi lubusang naranasan o hindi pa natin nararanasan ang parehas na bigat ng panunupil at pagpapatahimik na talamak noong rehimeng-Marcos. Gayunpaman, nananalaytay pa rin ang panunupil ng pagpapahayag at ang pagpapatahimik hanggang sa kasalukuyan. Nagbabanta pa rin ang panunumbalik ng nakakabinging katahimikan.
Kailangang alalahanin na ang mga espasyo para sa diskurso, kaalaman, at komentaryo, hindi nakahain na lamang. Sila’y patuloy na ipinaglalaban. Hindi laging natatamasa ang ganitong mga kalayaan ng ating bayan.
Mula sa araw na ito, sinususpinde nang panandalian ang lahat ng pamimigay ng mga kopya ng diaryo, magasin, o libro ng COP, bilang paggunita sa pagkamatay ng mga pahayagan noong nabuhay ang Batas Militar sa bansa.
Hinahamon ang lahat ng mga mag-aaral at kapuwa: Gaano kadalas tayong magbulag-bulagan, magbalat-kayo, at tumalikod sa ating kasaysayan? Ano ang magtutulak sa atin upang makilahok para sa masalimuot na katotohanang pananagutan nating lahat? Hihintayin pa ba natin ang tuluyang panunumbalik ng mga panunupil at pagsugpo sa mga pagayagan, ang pagpapatahimik ng sambayanan, bago tayo muling manindigan para sa katotohanan at makipagbulay sa mga kinasasangkutan nito?
Tinatawag tayong magpatuloy sa pagiging alisto, at patuloy na maging mapagmatiyag, mapanghamon, at mapagpalaya. Simula pa lamang ang mga pagkilos na inilunsad ngayong linggo.
Sa panahon ng pagpapatahimik, panunupil, at karahasan, huwag tayong magpadala sa lunos. Lalo tayong tinatawag na magpakatatag at manindigan para sa katotohanan at katarungan.